Aida [solo]:

Sa aking pag-iisa
Aking naalala
Titig ng ‘yong mata


Sa bawat pag-ihip
Ng hangin sa Hilaga
Bulong ng puso ko’y
Ikaw na nga


Ngunit ito’y pagkakamali
Tayo’y iba, di isang lahi
Ano nga bang pipiliin ko
Bayan ko o irog ko…


Radames:

Sa pag-ikot ng mundo
Aking naaalala
Ikaw lang ang inibig ko


Aking aamining
Ikaw lang ang aking hiling
Bulong ng puso ko’y
Iyong dinggin


Giliw, ‘wag kang mangangamba
Walang mali sa ibigin ka
Ito ang ating tadhana
Puso na ang nagpasya…


Aida & (Radames):

Ngunit ang tulad ko’y
Di dapat umibig


(Pag-ibig ko’y tunay)

Sa ating mundong
Puno ng panganib


(Pag-ibig na tunay
Iaalay ko…)


Sa karagatan, kagubatan
At sa kalawakan…


(Tatahakin ko…)

Aida & Radames:

Maging sa dulo ng mundo…
Ooh…ooh…


Aida [adlib]:

Ngunit ito’y pagkakamali
Tayo’y iba, di isang lahi
Ano bang dapat piliin?


Radames:

Ang pag-iibigan natin…


*kinailangan ko pang ma-in-love bago ko ‘yan naisulat..joke lang. Heehee.. Huh! Naaalala ko, hindi namin ‘yan mapractice na magkasama sina Aida (Ivy) at Radames (Edward)..NakooH! Mga pasaway! … Hindi naman kasi sila talagang magkasundo. Hehe.. Pero ngayon ok na. HAhaAha! AJA!!!