Pharaoh:
Marami ng sumubok
Sa lakas na taglay ko
Walang ibang hangad
Kundi pabagsakin ako
Ninais na sakupin
Ang bayan na ito
Ninais na wasakin
Ang natatanging EHIPTO
Marami ng sumubok
Maraming nasawi
Ngunit lahat naman
Saki’y di nagwawagi
Lahat sila’y lumusob
Egyptian Soldiers:
(Ngunit) kami’y laging handa
Iaalay aming buhay
Sa natatanging EHIPTO
Pharaoh:
“Maghanda sa digmaan!”
Egyptian Soldiers:
Isang panibagong hamon
Panibagong labanan
Sumpa naming lahat
Ito’y wala ng urungan
Muling masusubukan
Ang tapang at lakas
At ‘wag kalilimutan
Ang tanging ipinaglalaban…
All:
“Ehipto!”
*Ang song naman na to ay para ipakita ang paghahanda sa digmaan ng bansang Egypt. Hmmm…hulaan n’yo kung sino gumawa n’yan. (T,T)… huh…

1 puna
Mga punang ulat sa akdang ito.
Hulyo 15, 2008 Sa 6:41 hapon
anne
huh?